65 na OFW mula UAE, napauwi na sa bansa

65 na OFW mula UAE, napauwi na sa bansa

July 26, 2018 @ 11:58 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines –  Napauwi na sa bansa ang 65 na OFW mula sa United Arab Emirates, karagdagan sa halos 1,000 na Pinoy na mangagawa na napauwi sa bansa mula sa Gulf State ngayong taon.

Ayon kay Charge d’Affaires Rowena Pangilinan-Daquipil ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi, nasa kabuuang 969 na Pinoy na ang naiuwi mula sa UAE simula noong January.

Sa bilang na ito, 777 ang namalagi sa embassy shelter habang 212 naman ang walk-in clients, sabi pa ni Daquipil.

Ayon pa kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang repatriyasyon ng mga distressed OFW ay patungkol sa pangako ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang State of the Nation Address kung saan sinabi niya na ang kaligtasan ng mga OFW ay “remains our foremost foreign policy.”

“Like what President Duterte said during his SONA, I condemn strongly the abuses being experienced by our OFWs in the hands of their recruiters or employers,” sabi pa ni Cayetano sa statement.

“When these abuses happen, the DFA can be expected to act decisively to protect our kababayan and bring them home.”

Sabi pa ni Cayetano, marami sa 65 na OFW ay biktima ng mga illegal recruiters.

Sa tala ng embahada, mayroong nasa 643,000 Pinoy ang naninirahan at nagtratrabaho sa UAE at karamihan sa mga ito ay nasa Abu Dhabi at Dubai. (Remate News Team)