65 taong pagkakaibigan ng PH-Israel, mas palalalimin

65 taong pagkakaibigan ng PH-Israel, mas palalalimin

February 27, 2023 @ 8:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinagdiwang ng Pilipinas at Israel ang 65 taon ng pagkakaibigan, araw ng Linggo, tanda ng “warm at historic relations” na may pinataas na  interaksyon sa larangan ng agrikultura, komersiyo at pag-unlad.

Sa nakalipas na 12  buwan, nilagdaan ng dalawang bansa ang iba’t ibang kasunduan, mula sa memorandum of understanding para simulan ang  joint activities sa kalakalan at pamumuhunan hanggang sa cooperation agreement sa technological innovation, research, at development.

“The ‘milestone’ Philippine-Israel Investment Promotion and Protection Agreement was also concluded in June 2022, signaling the two nations commitment to create environment for investments in water management, agriculture, cybersecurity, defense industry, smart transportation, manufacturing, and diamond industry development, among others,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, nakikita ni Israel Ambassador to Manila Ilan Fluss  ang larangan ng innovation bilang lugar kung saan mas made-develop ang dalawang bansa.

“My vision is that we will establish bridges of innovation in technology between Israel and the Philippines,” ang sinabi pa rin ni Fluss sa isang panayam.

“For this, we’re working a lot on both on two levels, one on the startup community and how we can get an exchange between startups and to get Philippine startups enter into Israel,” dagdag na pahayag nito.

Bilang  innovation hub, naniniwala si Fluss na masusuportahan ng Israel ang Pilipinas sa pagtatayo ng “stronger startup industry” sa pamamagitan ng pagsasanay at gabay sa pag- “internationale” ng  Filipino startups.

Taong  2022, mayroong  mahigit sa  6,000 startups ang aktibo sa Israel,  dahilan upang maging world leader ang bansa sa “startups per capita.”

Maaari namang pumasok ang Israeli firms, sa Pilipinas at makapagbigay ng solusyon na makatutugon sa mga hamon na “unique” sa bansa.

“[The Philippines] could help Israeli startups who are usually focused more on the developed markets, enter into the Philippines, adjusting what they’re doing to the challenges in the Philippines which are different than Europe and the United States,” ani Fluss.

“So we want to help them diversify and enter the Philippine markets. So this is a very major effort that we are doing in the embassy,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, malalim na ang pagkakaibigan ng Israel at Pilipinas simula pa noong 1938 nang kupkupin ng bansa, sa pangunguna ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang mahigit 1,300 na Hudyo upang magkaroon ng isang ligtas na kanlungan mula sa trahedya ng holocaust. Kris Jose