6,560 bagong COVID case naitala; 5,364 gumaling; 32 nasawi

6,560 bagong COVID case naitala; 5,364 gumaling; 32 nasawi

July 21, 2021 @ 4:58 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ng 6,560 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Mayroon namang naitalang 5,364 na gumaling at 32 na pumanaw.

Sa kabuuan, sumirit na sa 1, 524,459 ang tinamaan ng coronavirus disease, 1,449,579 naman ang kabuuang gumaling na at 26,374 naman ang pumanaw.

Umabot na rin sa 47,996 na aktibong kaso  o katumbas ng 3.1%.

Ayon sa DOH, bunsod ng isyu sa teknikal na nararanasan sa COVIDKaya at sa manual solution na ipinatutupad  bilang isang panukalang hakbang,ang mga kaso na iniulat ngayong araw ay maaring hindi up-to-date data ang entries tulad sa  health status, residence, quarantine status.

Ang naturang isyu ay kasalukuyan nang inibestigahan ng Department of Information and Communications Technology at inaasahan ang resolusyon sa susunod na mga araw.

Tiniyak ng DOH  na ang ahensya ay ginagawa ang lahat ng pagsisikap upang ma update ang mga kaso .Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •