66-anyos na chess player kampeon sa New Zealand

66-anyos na chess player kampeon sa New Zealand

October 25, 2022 @ 9:49 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasungkit ng isang 66-anyos na Filipino chess player ang titulo sa 2022 Asian Senior Chess Championship na ginanap sa Auckland, New Zealand.

Ayon sa ulat, si Jose Efren Bagamasbad ang naging pinakabagong International Master ng bansa sa kanyang tagumpay.

Sinabi ni Bagamasbad, na tubong Talisay, Camarines Norte, na bumiyahe siya ng 48 oras dahil sa delayed flight bago ang kompetisyon.

“Talagang kulang na kulang ang tulog ko during that time. Wala akong maisip, parang salag lang ako nang salag sa mga binabatong atake ng kalaban ko,” he said.

Kasunod ng kanyang panalo, nasungkit din ni Bagamasbad ang ikatlong puwesto sa New Zealand Open.

Sinabi ng senior woodpusher na gusto niyang sumali sa mga kumpetisyon noong 2021, ngunit hindi niya magawa dahil sa pandemya. Pero hindi siya sumuko at sinanay ang sarili para maging handa siya pagdating ng pagkakataon.

“Ang panalo ay wala sa edad, nasa tira ‘yan. Kung kailangan mo ng magandang tira, kailangan mo ng training. ‘Yung training, hindi yan magde-depend sa coach, hindi ‘yan magde-depend sa teacher, nasa player ‘yan. ,” sinabi niya.

Kasama ang International Master sa bag, hinahangad na ni Bagamasbad ang titulong Grandmaster. Umaasa rin siyang maipapasa ang kanyang kakayahan sa kanyang apo.