66 bansa nagpadala ng tulong para sa Turkey quake victims – envoy

66 bansa nagpadala ng tulong para sa Turkey quake victims – envoy

February 9, 2023 @ 3:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 66 bansa ang nagpadala ng tulong sa Turkey sa patuloy na search and rescue operations kasunod ng magnitude 7.9 na lindol, ayon kay Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Akyol nitong Huwebes.

“Right now, 66 countries actually extended their assistance to us with over 3,000 aid personnel from those countries. Search and rescue, and medical aid personnel, including the Philippines, are now in the region,” pahayag ni Akyol.

“We are very grateful for the assistance of the international community and of course we are very grateful to the Philippines for the generous assistance at this difficult time of need, extended to us,” dagdag niya.

Sinabi ni Akyol na kabilang sa mga hamon sa search and rescue operations ay ang -5 to -10 degree Celsius temperature at pag-ulan ng yelo, maging sira at hindi madaanang mga kalsada.

Umabot na sa 15,000 ang naiulat na nasawi sa Turkey at inamin ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang mga pagkukulang sa pagtugon ng pamahalaan.

Sinabi ni Akyol na hindi bababa sa 52,979 ang naiulat na nasugatan habang 6,444 gusali ang gumuho. RNT/SA