Ikalawang oil price hike ngayong buwan ng Hulyo, ipatutupad

Ikalawang oil price hike ngayong buwan ng Hulyo, ipatutupad

July 9, 2018 @ 3:05 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Muling nagpatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell ang pagpapalabas ng abiso hinggil sa pagpapatupad ng oil price hike na P0.40 kada litro ng gasolina, P0.35 kada litro ng diesel, at P0.70 kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa tulad ng Seaoil, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, at Total sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.65 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro ng diesel, at P0.70 kada litro ng kerosene. (Jay Reyes)