6,684 bagong kaso naitala; 6,098 gumaling; 107 patay

6,684 bagong kaso naitala; 6,098 gumaling; 107 patay

May 31, 2021 @ 4:08 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Karagdagan pang 6,684 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease ngayong hapon , May 31.

Sa kabuuan, umabot na sa 1,230,301 ang nagpopositibo na ng COVID-19 sa bansa.

Karamihan ngayon sa nakikitaan ng may pagtaas ng mga kaso ng naturang sakit ay sa ilang rehiyon sa bahagi ng  Visayas at Mindanao.

Pagdating naman sa recoveries, nakapagtala ang DOH ng 6,098 na bagong gumaling dahilan para maging 1,155,045 na ang COVID-19 recoveries.

Nasa 107 naman ang bagong mga namatay kung saan umakyat na sa bilang na 20,966 ang kabuuan.

Ang aktibong kaso ay nasa 54,290 o 4.4% .

Kaugnay nito, tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) bagamat lahat ng COVID-19 licensed laboratories ay operational nitong Mayo 29.

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong laboratoryo  na ito ay humigit kumulang  0.4% sa lahat  ng samples  na naitest  at 1.0% sa lahat  ng positibong mga indibidwal.

Samantala, muling nagpaalala ang DOH na anumang mutations o variant na madetect sa ibang bansa, dapat lagi isapusot isipan ang mahigpit na pagsunod sa health protocol at minimum public health standadrs upang maiwasan ang pagkalat pa ng anumang variant ng COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden