67-anyos himas-rehas sa pangmomolestiya

67-anyos himas-rehas sa pangmomolestiya

May 6, 2022 @ 5:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang 67-anyos na lolo ang arestado sa kasong pangmomolestiya diumano sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Erwin Ferry, hepe ng Cuyapo police station, kay Nueva Ecija director,  P/Col. Jess Mendez, kinilala ang arestadong suspek na si Gerardo Ergino y Tabia, may asawa, magsasaka at residente ng Barangay Malineng, Cuyapo, Nueva Ecija.

Ayon kay Ferry, ganap na alas-11:30 ng umaga nitong Biyernes nang ikasa ang manhunt operation sa nasabing barangay ng pinagsanib na pwersa nang Intel/warrant ng Cuyapo police station, Provincial Intelligence Unit – Nueva Ecija Provincial Police Office (PIU-NEPPO), 2nd PMFC (Provincial Mobile Force Company, NEPPO at 303rd MC RMFB3, Malineng Base.

Si Ergino ay nasakote matapos na ihain dito ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa Regional Trial Court, Branch 33, Guimba, Nueva Ecija para sa di-umanoy kasong Acts of Lasciviousness (RPC Art. 336) kaugnay ng Republic Act 7610 na may criminal case number 6312-G, pinetsahan noong Agosto 1, 2021 at may piyansang P36,000 para sa pansamantalang paglaya nito.

Pansamantala, ang suspek ay nasa custodial facility ng Cuyapo police station. Elsa Navallo