67-anyos na Pinay higit 100 beses sinuntok, sinipa sa NY

67-anyos na Pinay higit 100 beses sinuntok, sinipa sa NY

March 16, 2022 @ 12:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines- Isang 67-anyos na Pinay ang sinuntok at sinipa nang 100 beses sa umano’y hate crime sa New York City, ayon sa isang ulat nitong Martes.

Dahil dito, nagtamo ng bali at mga sugat sa ulo at mukha ang babae mula sa 125 suntok at pitong malalakas na sipa mula sa isang 42-anyos na suspek na kinilalang si Tammel Esco.

Nagkaroon din ngpagdurugo sa utak ng Pinay at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

“I was really shocked, ‘no at horrified with this latest incident,” pahayag ni Philippine Consulate in New York Consul General Elmer Cato.

Mahaharap ang suspek sa reklamong attempted murder dahil sa hate crime. He has been arrested 14 times and convicted multiple times.

Ang babae ang ikatlong Pilipino na inabuso dahil sa anti-Asian hate crime sa New York sa loob ng isang linggo, ayon sa Philippine Consulate in New York Consul.

“Feeling ng community kasi, takot na takot ‘yung ating mga kababayan lalong-lalo na ‘yung matatanda, ayaw na nilang mag-subway. So, they’re afraid to go out of their houses,” pahayag ni Cato.

“We call on authorities to do more to protect the vulnerable. We remind kababayan to be extra vigilant and to take the necessary precautions, especially in public,” aniya pa.

“Yung problema, ‘no, ‘yung karamihan sa ating mga kababayan are reluctant to report these incidents. So, ‘yung 23 cases plus ‘yung three ngayong taon na ito, we think this is just the tip of the iceberg,” patuloy ni Cato. RNT/SA