67 LGUs na isnab sa IPs mandatory council seat, sinita ng DILG 

67 LGUs na isnab sa IPs mandatory council seat, sinita ng DILG 

April 29, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 67 non-compliant local government units (LGUs) na sumunod sa Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs).

Sa isang kalatas, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na hiniling nito sa mga LGUs na magpaliwanag hinggil sa kanilang kabiguan na tiyakin na ang indigenous people ay magkaroon ng kinatawan sa local legislative councils.

Ang 67 non-compliant LGUs na kinabibilangan ng dalawang lalawigan, 14 na munisipalidad at 51 barangay ay binigyan ng hanggang Mayo 3 na magsumite ng kanilang paliwanag sa DILG.

“Ang mga karapatan ng mga IP ay nasa batas at dapat nating sundin ang batas. Sila ay bahagi ng ating kasaysayan at kultura,” ayon kay Año.

“Dapat natin silang hayaang lumahok sa ating mga gawaing pangkomunidad at pakinggan ang kanilang panig sa mga usaping pang-LGU,” dagdag na pahayag nito.

Ayon sa Kalihim, walang pondo na inilaan para sa sahod ng IPMR at ang higher levels ng LGUs ay hindi kinikilala ang mga nasabing kinatawan.

Ang direktibang ito ng DILG ay matapos na makatanggap ng sulat mula kay National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) chairperson Allen Capuyan na nag-ulat na may 67 non-compliant LGUs.

Iniulat din ni Capuyan na may 530 iba pang LGUs ang kuwalipikadong magkaroon ng IPMR ang wala pa ring kinatawan sa sanggunian.

Nakasaad sa Seksyon 16 ng Indigenous People’s Rights Act na “the State shall ensure that the ICCs/IPs shall be given mandatory representation in policy-making bodies and other local legislative councils.”

“IP representation is also mandated by NCIP Administrative Order 2021-01, which amends NCIP AO 2018-03 or the Revised National Guidelines for the Mandatory Representation of Indigenous Peoples in Local Councils and Policy-making Bodies, ” ayon sa DILG. Kris Jose