67% ng ERs, COCs na-transmit na sa Senado

67% ng ERs, COCs na-transmit na sa Senado

May 15, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naka-standby ang Senado ngayong Linggo para sa 56 pang Election Returns (ERs) at Certificates of Canvass (COCs) na inaasahang darating anumang oras, sa 173 na ika-canvass ng joint session ng Kamara simula Mayo 24 upang malaman kung sino ang susunod na Presidente at Bise Presidente.

Naiulat ng Senate Information and Public Relations Bureau na natanggap na nito ang COCs mula Romblon, Pampanga, Samar, Davao Occidental, Zamboanga Sibugay, Camarines Sur, Northern Samar, Cebu City, Zamboanga del Norte, Negros Oriental, Davao del Sur, Davao de Oro, Davao Oriental, Maguindanao, Misamis Occidental, Bulacan, Basilan, South Cotabato, Iloilo, Caloocan City, at Palawan.

Gayundin, nasa Senado na ang mga boto mula sa Taiwan, Qatar, Bahrain, Singapore, London, Thailand, at Canada, at ng Persons Deprived of Liberty, para sa 67.63 porsyento ng kabuuangl ERs at COCs.

Dumating nitong Sabado ang 88 ERs at COCs galing Benguet, Eastern Samar, Baguio City, Quirino, Biliran, Capiz, Apayao, Antique, Cagayan de Oro City, Pangasinan, Zamboanga City, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Tarlac, Aurora, Bataan, Cagayan, Rizal, Las Piñas City, Quezon City, San Juan City, Bukidnon, Pasay City, Marikina City, Laguna, Sarangani, Batangas, Southern Leyte, Muntinlupa City, Lanao del Norte, Catanduanes, Iligan City, Nueva Ecija, Oriental Mindoro, Marinduque, Kalinga, Abra, Misamis Oriental, Albay, at Local Absentee Voting.

Nadala na rin ang Overseas Absentee Voting COCs mula sa Indonesia, United Arab Emirates, Germany, Sweden, Angola, Switzerland, at South Korea. RNT/SA