677 kaso ng HFMD, naitala sa Ilocos

677 kaso ng HFMD, naitala sa Ilocos

November 25, 2022 @ 5:46 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng nasa 677 kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) ang Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) sa Ilocos region mula Enero 1 hanggang Nobyembre 12 ng taong kasalukuyan.

Sa panayam nitong Huwebes, Nobyembre 24, sinabi ni DOH-CHD-1 medical officer Dr. Rheuel Bobis na 424 HFMD cases ang naitala sa Pangasinan, 200 kaso sa La Union, 43 sa Ilocos Norte at 10 sa Ilocos Sur.

Ani Bobis, walong bayan sa Ilocos Sur, 10 sa La Union, 34 sa Pangasinan at 13 bayan at lungsod sa Ilocos Norte ang mayroong kaso nito.

“Among the localities with the high number of cases are Rosario in La Union with 80 cases, followed by Rosales in Pangasinan with 77, Balaoan in La Union with 71, Burgos in Pangasinan with 65, Balungao, Pangasinan with 56, and Umingan in Pangasinan with 25 cases,” sinabi ni Bobis.

Sa kabila nito, wala pa namang naitalang nasasawi dahil sa hand, foot and mouth disease.

Dahil dito ay nanawagan ang DOH sa publiko na panatilihin ang paghuhugas ng kamay at panatilihin ang good proper hygiene upang makaiwas sa HFMD.

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na karaniwan sa mga bata at kumakalat sa pamamagitan ng secretions tulad ng laway mula sa isang taong may sakit nito.

Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, singaw, rashes at blisters sa kamay, paa at pwet.

“Some persons experience a sudden onset of fever and sore throat along with small, discrete grayish-white lesions (sores). These lesions may be present on any of the soft tissue inside the mouth. Some persons experience lesions that are raised and/or blister-like on the body, most notably the palms, fingers, and the soles of the feet. These lesions may persist for seven to 10 days,” ayon sa DOH. RNT/JGC