68.32 vote ratio anomaly pinabulaanan ng PPCRV

68.32 vote ratio anomaly pinabulaanan ng PPCRV

May 12, 2022 @ 3:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa publiko na mag-ingat sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon na magdudulot ng pagdududa sa katatapos lamang na May 2022 elections.

Kasabay nito, pinabulaanan ngi PPCRV national chairperson Myla Villanueva, na walang nangyaring iregularidad sa katatapos na halalan  makaraang maglabas ng pahayag ang mga eksperto hinggil sa isyu ng “68:32 ratio” ng bilang ng boto nina presumptive President Ferdinand Marcos Jr. at ni Vice President Leni Robredo.

Sa pag-aaral ng mga “mathematician” mula sa Ateneo de Manila University, pare-pareho ang dating ng mga bilang dahil sa sinasalamin lamang nito ang “national vote” na base naman sa “random pattern” ng pagpapadala ng mga election results.

“Our take is that the statistical analysis of the data does not indicate any irregularities,” ayon sa  PPCRV.

“The relatively consistent distribution of votes may be expected to closely mirror the national vote given the random pattern of receipt of the transmitted results,” dagdag nito.

Ayon naman kay Dr. William Yu, IT head PPCRV, sinuri ng mga eksperto ang distribusyon sa mga rehiyon ng mga naipadalang resulta.

Ang mga naipadadalang boto mula sa mga rehiyon ay sinasabing sampol umano ng ratio ng kabuuang boto sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden