684 armas nakumpiska, 240 firearm license pinawalambisa

684 armas nakumpiska, 240 firearm license pinawalambisa

January 26, 2023 @ 12:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – KINUMPISKA ng Philippine National Police ang may 684 armas at pinawalambisa ang may 240 firearm licenses dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang paglabag at krimen sa nakalipas na apat na taon.

Ayon kay PNP-FEO chief, Col. Kenneth Lucas, ito ang bunga ng kanilang regular na inspeksyon at pagsusuri bilang tugon sa implementasyon ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na naglalayong ilantad ang hindi awtorisadong gun owners at mapalakas ang batas at kaayusan ng bansa.

Sinabi ni Lucas na walang exempted sa pagpapatupad nila ng naturang batas.

“Our implementation is always fair and judicious in accordance with existing laws and regulations. This only manifests that we are serious in our thrust to account loose firearms in all parts of the country,” aniya.

Nabatid na noong nakaraang taon, 41 licenses to own and possess firearms (LTOPF) ang pinawalambisa ng PNP FEO dahil sa iba’t ibang paglabag habang 201 firearms na nakarehistro sa naturang pinawalang lisensya ang kinumpiska.

Kabilang sa mga ground ng revocation ang pagkakasangkot ng gun owners sa iba’t ibang paglabag tulad ng “illegal drugs, illegal gambling, commission or pendency of a crime involving firearms and ammunition, prolonged non-renewal of a firearms license, illegal or unlawful transfer of firearms, violation of the election gun ban, revoked by order of the court, and misrepresentation or submission of spurious supporting documents.”

Sa 187 kaso, 31 kaso ng firearms owners ang may kaugnayan sa illegal drugs.

Kaugnay nito, hiniling ni Col. Lucas sa mga lisensyadong gun owners na sundin ang tamang procedure sa pagmamay-ari at paggamit ng baril kasabay ng babala na babawiin ang kanilang lisensya at sasampahan pa sila ng kaukulang kasong kriminal.

Nagbabala rin ang FEO laban sa mga nagsusumite ng pekeng dokumento sa pag-aaplay ng lisensya ng baril. RNT