688 illegal trafficking, recruitment victims nasagip ng BI sa 2021

688 illegal trafficking, recruitment victims nasagip ng BI sa 2021

January 17, 2022 @ 10:11 AM 7 months ago


MANILA, Philippins – Nasa kabuuang bilang na 688 indibidwal na posibleng biktima ng human trafficking at illegal recruitment ang nasagip ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan sa bansa bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa human trafficking.

Sa pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, nasa 13,680 pasahero ang ipinagpaliban ang pag-alis ng mga immigration officer nitong taon 2021 na ang karamihan ay dahil sa pagkakaroon ng hindi wastong dokumentasyon.

Ayon sa Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI, sa nasabing bilang, 491 ang nakitang posibleng biktima ng human trafficking at itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at imbestigasyon.

May kabuuang 197 na biktima naman ang itinurn-over sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na karamihan ay dahil sa pagpapakita ng mga peke o kwestyonableng overseas work permit at mga kontrata sa trabaho.

“There is still a large number of minors and underage victims posing as legitimate workers that were intercepted this year despite the pandemic and despite the continuous warnings we have issued,” ani Morente.

Iniulat din ng BI na nasa 326 mga menor de edad ang naharang nitong 2021, kung saan 18 sa mga ito ang nagpalit ng pangalan at gumamit ng ibang tao.

Nasa 34 naman na mga dokumento ang napatunayan ng BI forensic documents laboratory na mga mapanlinlang o peke.

“Some common schemes that these human traffickers and illegal recruiters would employ is the issuance of fake documents or tampered visas to their victims, falsified marriages, the continued attempt to use tourist visas to work abroad, and duping underage Filipinos to work as household workers,” giit ni Morente.

Muli namang nagbabala si Morente ang mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa na huwag na nilang tangkain ang mga ganitong gawain.

“These illegal schemes have already been uncovered by the BI, and we keep on issuing warnings to our kababayan against them. Do not fall prey to these scammers and traffickers, they will only give you false promises and put you in danger,” babala ni Morente. JAY Reyes