695 bagong kaso ng COVID, naitala

695 bagong kaso ng COVID, naitala

November 23, 2022 @ 8:44 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Bagama’t bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa 17,550, mataas pa rin ang kabuuang bilang ng kaso ayon sa Department of Health.

Base sa datos ng DOH, umabot na sa 4,027,469 ang kaso ng COVID-19
sa Pilipinas dahil sa karagdagang 695 na bagong kaso na naitala nitong Martes, Nobyembre 22.

Ang kabuuang bilang naman ng recoveries ay umakyat sa 3,945,419, habang ang death toll ay sumampa na rin sa 64,500.

Pinakamataas pa rin ang bilang ng mga bagong kaso na naitala sa Metro Manila sa nagdaang 14 na araw na may 3,402.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,981; Western Visayas na may 1,472; Central Luzon na may 1,132; at Central Visayas na may 1,096.

Sa mga indibidwal na nasuri noong Lunes, sinabi ng DOH na nasa 11,399 at 338 testing laboratories ang nakapagsumite ng kanilang resulta.

Ang bed occupancy rate ng bansa ay 22.3% noong Linggo na may 6,313 ng kabuuang 28,251 beds ang okupado at 21,938 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden