$6M pondo sa feasibility studies ng railway projects nasungkit ng DOTR

$6M pondo sa feasibility studies ng railway projects nasungkit ng DOTR

January 9, 2023 @ 1:26 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakakuha ng mahigit $6 milyon pondo para sa feasibility studies ng ilang railway projects sa bansa ang Department of Transportation (DOTr).

Ito ang inihayag ni Kalihim Jaime Bautista nitong Lunes, Enero 9.

“I am pleased to announce that following the directive of the President in July last year, the Department of Transportation has already secured over $6 million to fund the feasibility studies for the development of the Panay Railway, Bataan Railway and the North Long Haul Interregional Railway, which will connect Ilocos and Cagayan with the National Capital Region,”sabi ni Bautista sa kanyang mga pahayag.

Ngayong araw din ay dumalo si Bautista sa paglulunsad ng tunnel boring machine ng Metro Manila Subway Project na ginanap sa Valenzuela City kung saan naghatid ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“The technical studies for these railways will commence in the next few months,” aniya.

Sinabi pa ni Bautista na magkakaroon din ng pondo ang DOTr para sa feasibility studies ng San Mateo Railway, Northern Mindanao Railway, at Philippine Transport System Master Plan.

Aniya, ang lahat ng mga ito ay bahagi ng plano ng administrasyong Marcos na paunlarin pa ang transportation system sa bansa at buhayin ang railway industry.

Para kay Marcos, pagkakaroon ng mabisa at mahusay na sistema ng transportasyon ay magkakaroon ng mabuting epekto sa ekonomiya ng bansa. RNT/JGC