6th joint unilateral exercise ng AFP aarangkada sa Nov. 7-18

6th joint unilateral exercise ng AFP aarangkada sa Nov. 7-18

October 3, 2022 @ 10:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kasado ang ika-anim na annual Armed Forces of the Philippines Joint Exercise (AJEX DAGIT-PA) na naglalayon na palakasin ang territorial defense capabilities ng militar, mula Nobyembre 7 hanggang 18.

Ito ay kasunod nag paglahok ng Philippine Army (PA) planners sa week-long planning conference para sa 2022 iteration ng AJEX DAGIT-PA na ginanap noong Styembre 27 hanggang 30 sa AFP Education, Training and Doctrine Command (AFPETDC) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“Major Services planners finalized their coordinated respective plans for the sixth iteration of DAGIT-PA (Dagat-Langit-Lupa) scheduled on November 7 to 18, 2022. AJEX DAGIT-PA—AFP’s joint unilateral exercise—is aimed at enhancing readiness of major services in joint operations and enhancing their territorial defense capabilities in a spectrum of military operations,” ani PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad nitong Lunes.

Nakibahagi ang mga team mula sa Army, Navy, Marines at Air Force took sa ika-limang ipagsasagawa ng AJEX DAGIT-PA sa iba’t ibang lugar sa Panay Island noong Nobyembre 2021.

“Army teams which included ready reserve units took part in various drills on territorial defense, internal security, and cyber defense operations,” sabi ni Trinidad.

Naganap ang AJEX DAGIT-PA noong nakaraang taon, Nov. 8 hanggang 18 kung saan 1,492 active personnel at 92 reservists mula sa major services ang nakilahok.

Kabilang sa mga aktibidad ang Cyber Defense Exercise sa Camp Aguinaldo; Air Detection and Interception mula sa Pasay City; Live Fire Exercise and Urban Operations sa Capiz; Maritime Operations sa Panay; at Amphibious Operations with Special Operations sa Antique.

Ito rin ang unang pagkakataon na karamihan sa mga aktibidad para sa AJEX-DAGIT PA ay isinagawa sa labas ng Luzon. RNT/SA