7.6% paglago sa PH economy naitala sa Q3 2022

7.6% paglago sa PH economy naitala sa Q3 2022

November 10, 2022 @ 10:28 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Bumilis ang pag-usbong ng Philippine economy sa ikatlong quarter ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.

Sinusukat ang ekonomiya sa gross domestic product (GDP) — ang kabuuang halaga ng goods at services na na-produce sa partikular specific period — na lumago ng 7.6% mula Hulyo hanggang Setyembre, mas mabilis sa naitalang 7.5% GDP growth sa ikalawang quarter ng 2022.

Mas mataas din ito kumpara sa 7% GDP growth sa ikatlong quarter ng 2021. RNT/SA