7-anyos ginahasa ng tiyuhin

7-anyos ginahasa ng tiyuhin

April 21, 2022 @ 11:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Maagang nasira ang kinabukasan ng isang 7-anyos na nene matapos walang awang gahasain ng sarili nitong tiyuhin, Lunes sa bayang ito.

Dinala sa Pink room sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC), ang grade 1 pupil na biktima at lumabas na medical examination na positibo itong ginahasa ng kanyang 42-anyos na tiyuhin.

Ayon kay Police Major Gilfred Baroman, hepe sa Dalaguete Police Station, sinamahan ng kanyang ina ang bata sa kanilang tanggapan para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Kuwento ng ina, umaga ng Lunes nakita ang suspek na lumabas mula sa loob ng kanilang bahay kaya pinasok niya ang anak at tinanong kung ano ang ginawa ng tiyuhin at umamin ang bata na ginahasa siya ng suspek ng ilang beses.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong Rape ang suspek./Mary Anne Sapico