7-anyos giniling ng ‘kalaro’ sa concrete mixer

7-anyos giniling ng ‘kalaro’ sa concrete mixer

February 25, 2022 @ 1:50 PM 4 months ago


CAGAYAN-Kalunos-lunos ang sinapit ng ang isang 7-anyos na lalaki matapos mapisak ng isang concrete mixer na hindi sinasadya umanong paandarin ng mga kalaro nito menor de edad sa Kim Hollow Block compound sa Barangay Ugac Sur, Tuguegarao City dito sa nasabing lungsod.

Kinilala ang nasawi na si Jasper Canap, 7 anyos at residente ng Lecaros Extension, Ugac Sur. Tuguegarao City, Cagayan, habang aabot sa limang bata ang kalaro ng biktima na pinili ng Remate Online na hindi na pangalanan.

Sa nakalap na impormasyon ng Remate, unang nagkayayaan ang grupo ni Canap na maglaro sa Kim Hollow Block compound dakong 2:00 ng hapon.

Habang nasa loob ng concrete mixer si Canap ay biglang pinagana ang switch nito na nagresulta sa pagkahalu-halo na sanhi pagkapisak at pagkadurog ng bata.

Kung saan ay halos sumabog ang mata ni Canap dahil na rin sa tindi ng pinsala nito sa katawan.

Walang umamin sa mga kalaro ng biktima kung sino ang nag-switch sa nasabing concrete mixer machine na posibleng natatakot ang mga ito.

Napag-alaman taong 2021 pa ng hindi na ginagamit o matengga ang concrete mixer machine ng nasabing pagawaan ng hollow block. Rey Velasco