7-anyos gold medalist swimmer, patay sa dikya

7-anyos gold medalist swimmer, patay sa dikya

August 2, 2018 @ 4:02 PM 5 years ago


Camarines Sur – Nauwi sa lagim ang masaya sanang bakasyon ng pamilya Trimarchi matapos na masawi ang kanilang 7-anyos na anak dahil sa kamandag ng jellyfish.

Isang gold medalist ang Filipino-Italian na si Gaia Trimarchi sa ilang swimming competitions sa Italy.

Kwento ni Manette, ina ng bata, nasa huling isla na sila ng kanilang ‘island hopping’ noong July 26 at nangongolekta lang ng seashells ang anak nang bigla itong sumigaw ng, “Ouch! Ouch”.

Dito nakita ng ina na nagkulay ube na ang hita ng anak at may mga nakatusok dito at sinabi ng isang bangkero ng box jellyfish ito, isa sa mga pinakamakamandag na dikya.

Ikinadismaya ng ina na walang dalang first aid kit ang mga ito at tila nanisi pa dahil walang baong suka na pambuhos sana sa jellyfish sting.

Halos isang oras ang naging biyahe nila pabalik sa bayan at papunta sa ospital.

Nang makarating na sa Caramoan Municipal Hospital ang mag-ina ay idineklara nang dead on arrival ito dahil sa matinding allergic reaction.

Dagdag pa ng ina, hindi sana hahantong sa ganito kung nasabihan sila o may abiso sa mga turista na mayroong nakamamatay na dikya sa lugar at kung may first aid kit ang mga bangkero.

“There were no warning signages. Our boatmen did not tell us about it. Hindi naman kami taga doon, turista kami. Paano naman namin malalaman na meron palang nakakamatay doon?” aniya sa isang interbyu. (Remate News Team)