7-anyos nagulungan ng bus; patay

7-anyos nagulungan ng bus; patay

December 31, 2021 @ 9:17 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi na umabot ng bagong Taon ang isang batang babae nang magulungan ng bus sa Sta.Cruz, Maynila Huwebes ng gabi.

Hawak ngayon ng pulisya ang driver ng bus na si Eljecar Gumangcam y Sumalpong, 42, nakatira sa 23 F Maysan Road, Valenzuela City.

Nangyari ang insidente sa loob ng Philippine Rabbit Bus Terminal na matatagpuan sa Oroqueta St., Sta.Cruz, Maynila.

Nabatid na naka-park ang bus sa terminal nang simulang umabante at magulungan ang biktimang si  Asia Mae Grande Dela Cruz, 7 taong gulang, at nakatira sa 832 Oroqueta St., Sta.Cruz, Maynila.

Ang biktima ay naglalaro umano ng hide and seek. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)