7-anyos sinako, ginahasa, pinatay ng binatilyo

7-anyos sinako, ginahasa, pinatay ng binatilyo

August 21, 2022 @ 12:04 PM 1 month ago


PILA, Laguna- TUGIS ngayon ng mga awtoridad ang 15-anyos na binatilyo matapos gahasain ay patayin ang batang babae noong Lunes sa bayang ito.

Isang manhunt operation ngayon ang isinasagawa ng Laguna-PNP para sa ikadarakip sa suspek na kinilala sa pangalan JM Fernandez, 15-anyos at residente sa Barangay Masico, Pila, Laguna.

Walang saplot na nakasilid sa sako ang bangkay ng biktimang si Lea Joy Mae Amadeo, 7-anyos at residente sa nasabing lugar.

Batay sa report ng Pila Police Station, dakong 7:00 PM natagpuan ang bangkay ng bata sa likod ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakitaan ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at may mga buhangin ang bigbig nito.

Naniniwala ang mga magulang ng bata na ginahasa muna saka pinahirapan ang kanilang saka pinatay ng suspek.

Nabatid, na marami na rin rekord sa barangay ang suspek sa kasong pagnanakaw./Mary Anne Sapico