7 araw na kwarantin ikakasa sa fully vaxxed na closed contact ng COVID patient

7 araw na kwarantin ikakasa sa fully vaxxed na closed contact ng COVID patient

October 8, 2021 @ 12:39 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isasailalim s apitong araw na quarantine period ang mga indibidwal na kumpletong bakunado kapag naging close contact ang mga ito ng COVID-19 patients, ayon sa Inter Agency Task Force Against COVID-19.

Ang nasabing kauutusan ay nakasaad sa IATF Resolution 142 na inilabas ngayong Oktubre 8, Biyernes.

Ganunpaman, aplikable lamang ito ayon kay IATF at Presidential spokesperson Harry Roque sa mga asymptomatic fully vaccinated, habang ang mga may sintomas ay dapat na magpagamot.

Nakapaloob din sa inilabas na IATF Resolution na kailangang maisagawa ang RT- PCR test makalipas ang limang araw na makasalamuha ang fully vaccinated sa pinaghihinalaan o positibong indibidwal na tinamaan ng virus.

Para sa mga closed contact na lampas na ng pitong araw mula sa exposure at nananatiling asymptomatic ay hindi na kailangan pang sumailalim sa testing at sa halip, kailangan na lamang mag- quarantine.

Samantala, ang unvaccinated at partially vaccinated naman na nakasalamuha ang isang probable, suspected at confirmed COVID case, 14 na araw ang dapat bunuin para sa quarantine. Kris Jose


  •  
  •  
  •