7 arestado, 36 bebot nasagip sa ‘spakol’

7 arestado, 36 bebot nasagip sa ‘spakol’

November 9, 2022 @ 10:24 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsagawa ng dalawang magkahiwalay na anti-human trafficking operations laban sa isang massage parlor at resto bar sa Bocaue, Bulacan.

Sa nasabing operasyon, naaresto ang mga suspek na sina Jomar Pagadora, Risa Cardova y Lomasay, Lord M. Rodriguez, Glenda A.Lising, Edna E.Oacares, Belen O.Florin at Kit April RoseJ.Morales.

Nag-ugat ang operasyon mula sa intelligence report na natanggap ng NBI-Bulacan District Office (NBI-BULDO) sa umanoy human trafficking activity na ginagawa ng ilang indibidwal sa lugar ng Bocaue, Bulacan.

Batay sa nasabing impormasyon, nagsagawa ng surveillance operation ang NBI-BULDO upang maberipika ang ulat saka ikinasa ang entrapment operation para hulihin ang mga nasa likod ng aktibidad na labag sa batas.

Unang tinungo ng  NBI-BULDO at Provincial Social Welfare and Development Office ang Pisces Health Spa Massage at naaresto sina Pagadora at Cardova. Nasagip naman ng mga operatiba ang 11 trafficking victims.

Kasunod nito, sinalakay din ang pangalawang target, ang Dumagat Grill Resto Bar  at dito naman naaresto sina Rodriguez, Lising, Oscares, Florin, at Morales, na siyang mga bugaw, floor manager, at cashier, ayon sa pagkakasunod-sunod .

Nagresulta ang operasyon sa   pagsagip sa dalawampu’t limang (25) biktima ng trafficking.

Iniharap na sa Inquest proceedings sa Office of the Provincial Prosecutor ng Bulacan ang mga suspek nitong Oct.8 para sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden