7 bayan sa Abra naka-isolate kasunod ng M-7 quake

7 bayan sa Abra naka-isolate kasunod ng M-7 quake

July 30, 2022 @ 12:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pitong lugar sa lalawigan ng Abra ang ini-isolate kasunod ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa bahagi ng Northern Luzon nitong Miyerkules.

Ayon sa ulat, apektado ang access sa mga munisipalidad dahil sa napinsalang imprastraktura at pagguho ng lupa.

Kasalukuyang nakasailalim sa state of calamity ang Abra kasunod ng insidente.

Batay sa datos ng provincial government, pumalo na sa P339 milyon ang pinsalang dulot ng lindol.

“Number 1, tubig pati yung tubig ng firetruck iniinom na namin. Binibigay namin dyan sa mga tao ng libre. Sabi nila pwede mainom. Tiningnan ko naman, mayroon pala silang filter,” pahayag ni Gov. Dominic Valera.

Nagbigay na ng tulong ang national government sa mga biktima ng lindol. Bukod sa pagkain at tubig, namahagi rin ng mga tarpaulin para sa makeshift shelters.

Samantala, naiulat ng Department of Education (DepEd) Abra Schools Division Office na 317 elementary at secondary schools ang napinsala ng lindol. Sa bilang na ito, 228 ang totally damaged.

Inihayag din ng DepEd Divisions Office na 430 silid-aralan ang nagkaroon ng major damage mula sa insidente. RNT/SA