7 bayan sa Soccsksargen itinuturing na ‘areas of grave concern’ sa Halalan 2022

7 bayan sa Soccsksargen itinuturing na ‘areas of grave concern’ sa Halalan 2022

May 7, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


GENERAL SANTOS CITY- Naghigpit ng seguridad ang mga awtoridad sa pitong munisipalidad sa Soccsksargen region dahil sa posibleng karahasan sa eleksyon sa Lunes.

Sinabi ni Atty. Renato Magbutay, Region 12 director ng Commission on Elections (Comelec), na ang pitong munisipalidad ay ang Palimbang, Columbio at President Qurino sa Sultan Kudarat, Maitum at Maasim sa Sarangani, Pikit sa Cotabato, at Banga sa South Cotabato.

Aniya, tinukoy ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga lugar na ito na kabilang sa red category o areas of grave concern.

“They are not under Comelec control butb areas of concern. There should be a sufficient number of military and (police) personnel in those areas and prioritized for the security preparations,” paliwanag ni Magbutay. RNT/SA