7 binatilyong miyembro ng NPA sumuko

7 binatilyong miyembro ng NPA sumuko

December 17, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


BATANGAS- Para makasama ang kanilang pamilya ngayon Pasko, nagpasyang sumuko ang pitong binatilyo na miyembro ng New People’s Army (NPA) Milisyang Bayan sa kanilang lokal na pamahalaan sa Rosario, Batangas, iniulat kaninang umaga.

Kinilala ang mga itong sina alyas “Emaw,” “Angel,” “Ben,” “Diane,” “Kathlyn,” “Mariz,” at “Itog”, pawang mga edad 13 hanggang 17 at mga residente ng Sitio Lamesang Bato sa Barangay Sampito at Sitio Ibaba Pinagkawitan sa Barangay Sapangan sa Rosario.

Ito ay sa pagsusumikap na rin ng pinagsanib na pwersa ng Sampangan Barangay Task Force, Local Communist Armed Conflict, 59th Infantry Battalion, Rosario, at San Juan, Batangas Municipal Police Stations.

Hinikayat rin ni Major Gen. Roberto S. Capulong, hepe ng 2nd Infantry Division, ang mga natitira pang NPA na sumuko na ay mamuhay ng payapa at para na rin makasama nila ang kanilang pamilya ngayon Pasko.

Tinuligsa rin ni Capulong ang paglabag na CPP-NPA-NDF sa kanilang recruitment scheme ay ang paglabag sa International Humanitarian Law.

Ang pangangalap at paggamit ng mga bata sa labanan na ginagawa nilang human shield na nagdulot ng malaking pagkawasak sa mga karapatan at kapakanan ng mga kabataang Pilipino para sa kanilang mga teroristang ideolohiya. Mary Anne Sapico