7 byaherong mula S. Africa, hinahanap pa – DOH

7 byaherong mula S. Africa, hinahanap pa – DOH

December 8, 2021 @ 11:23 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Mayroon pang pitong indibidwal na mga byaherong mula South Africa ang hindi pa mahanap, at sila ay pawang mga returning overseas Filipinos.

Ito ayon sa Department of Health ay hanggang nitong Dec.6 na update.

Tatlo umano sa mga ito ay nagbigay ng numero ng kanilang agency at pawang hindi it mga personal na numero.

Isa naman ang incorrect number o nagbigay ng maling numero

Isa rin ang incomplete number at 2 uncontactable o hindi matawagan.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DOH sa local government units at iba pang katuwang ng gobyerno upang mahanap ang nasabing mga indibidwal.

“We are continuously getting in touch with our local government units and other partners to be able to contact these individuals.”ayon sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden