Pari arestado sa panggagahasa

March 30, 2023 @10:31 AM
Views: 3
BACOLOD CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang pari matapos arestuhin ng mga awtoridad sa kasong panggagahasa sa 17-anyos na dalagita, iniulat kahapon, Marso 29 sa lungsod na ito.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Father Conrad Mantac, ng San Carlos Diocese.
Batay sa report, nag-ugat ang kaso ni Mantac taon 2022 matapos ireklamo ng panggagahasa ng 17-anyos na dalagita sa loob ng simbahan.
Naglabas naman ng pahayag si Bishop Gerardo Alminaza, ng Diocese San Carlos, na sinuspinde na nila si Mantac habang iniimbestigahan ang nasabing kaso. Mary Anne Sapico
P34M jackpot sa Grand Lotto, nasolo!

March 30, 2023 @10:28 AM
Views: 6
MANILA, Philippines – Solong maiuuwi ng mananaya ang lampas P34 milyon na jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Miyerkules.
Naitala ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 ay 26-23-34-41-45-29 sa premyong P34,123,859.
Samantala, wala namang nanalo sa draw ng Mega Lotto 6/45 sa winning combination na 32-23-31-34-40-29 sa premyong aabot naman sa halos P48 milyon. RNT/JGC
PBBM planong magbigay ng insentibo sa mga LGU vs malnutrisyon

March 30, 2023 @10:15 AM
Views: 13
MANILA, Philippines – PINAG-AARALANG mabuti ng national government kung paano bibigyan ng insentibo ang local government units (LGUs) sa laban nito kontra malnutrisyon.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang paglulunsad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP), isang collaborative effort sa pagitan ng Philippine government at World Bank na naglalayong paghusayin ang nutritional status ng mga Filipino.
Ani Pangulong Marcos, layon ng PMNP na makapagbigay ng pangunahing health care support at nutrition services, access sa malinis na tubig at sanitasyon, technical information, pagsasanay at financing sa kailangang interbensyon ng LGUs para tugunan ang malnuturisyon.
“The program will also incentivize the participating LGUs. We were just having a very quick discussion about how that should be-how we can achieve that,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“We see very clearly the problems that arise at the ground level,” aniya pa rin.
Binatikos naman ng Punong Ehekutibo kung bakit hindi naging prayoridad ang healthcare sa lokal na antas, tinuran ang kakulangan ng kakayahan at abilidad, maging ang kasanayan at manpower.
“So we have found a way to bring the LGUs in. Because it is without their partnership, we do not get to what is often referred to as the last mile. That is always the problem when you try to translate a program from the national level, a program of the national government, all the way down to the local government, down to the barangay level,” ang winika ng Pangulo.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Pangulo ang Department of Health (DoH) na makipagsanib-puwersa sa ibang ahensiya ng pamahalaan “in harmonizing and implementing sound diet and nutritional policies and practices.”
Nanawagan naman ang Pangulo ng “employment of best efforts” upang matiyak ang well orchestrated coordinated strategy para ipatupad ang nutritional programs sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kris Jose
Oras ng pasok sa eskwela, baguhin sa mainit na panahon – ACT

March 30, 2023 @10:02 AM
Views: 16
MANILA, Philippines – Hinimok ng isang grupo ng mga guro ang Department of Education (DepEd) na baguhin ang oras ng pasok sa eskwela ng mga estudyante upang maiwasan ang oras kung saan mataas ang temperatura, lubhang napakapeligro para sa mga estudyante sa panahon ng tag-init.
Maliban dito, suhestyon din ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) union chapter sa National Capital Region (NCR), na maglagay ng air conditioners sa mga silid-aralan o kaya ay lumipat muna sa blended learning kung saan posibleng magdaos ng face-to-face classes sa umaga at distance learning modalities naman sa bahay.
Kasabay nito, kinalampag na rin ng grupo ang DepEd na aksyunan na ang isyu ng pagkakaroon ng klase kasabay ng tumataas na temperatura dahil sa tag-init.
“As educators, we cannot fulfill our mandate to provide quality education if our students and teachers are suffering from the harsh summer heat in classrooms,” pahayag ng ACT-NCR.
“We need urgent and concrete solutions that will ensure the safety and well-being of all those involved in the education sector.”
Sinegundahan din ng grupo ang panawagan ng iba sa DepEd na ibalik na ang pre-pandemic na bakasyon na Abril hanggang Mayo.
Sa kabila nito, sinabi ng DepEd na pag-aaralan pa nila ang suhestyong ito.
“At the moment, there are no plans to revert,” ani DepEd spokesman Michael Poa.
Ang panawagang ito ay kasunod ng insidente sa Laguna kung saan 120 estudyante ang naospital dahil sa idinaos na earthquake at fire drill sa ilalim ng tirik na araw noong Marso 23.
Ayon pa sa ACT-NCR, sa kanilang online survey na 67% ng mga guro ang nagsabing nararamdaman nila ang epekto ng mainit na panahon, habang 87 percent ng respondents ang nag-ulat na hindi makatutok sa pag-aaral ang mga estudyante dahil sa init ng panahon. RNT/JGC
Kakulangan sa nars tutugunan ng CHED

March 30, 2023 @9:49 AM
Views: 31