7 ibinuwal ng COVID-19 sa Bulacan

7 ibinuwal ng COVID-19 sa Bulacan

April 8, 2021 @ 9:47 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

BULACAN – Pitong indibidwal ang namatay sa COVID-19 habang nagtala ng karagdagang 165 fresh cases, 44 late cases at may 333 nakarekober sa naturang virus sa lalawigang ito kahapon.

Sa update ng Provincial Health Office (PHO) bandang 4:00 p.m., pumalo na sa 3,707 ang aktibong kaso dahil sa karagdagang 165 fresh cases at 44 late cases.

Nasa 15,891 naman ang gumaling matapos magtala ng karagdagang 333 beripikadong bagong gumaling na pasyente.

Nabatid din sa report na may kabuuang 541 ang namatay dahil sa pitong karagdagang beripikadong nasawi sa virus.

Tinatayang na sa kabuuang 20,139 ang beripikadong kaso ng COVID-19 simula Marso 2020 sa naturang lalawigan.

Patuloy ang payo ng PHO sa publiko na palagiang maghugas ng kamay, mag-sanitize, magsuot ng face mask, face shield at panatilihin ang social distancing dahil hindi tumitigil ang banta ng COVID-19. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •