7 lalawigan nakapagtala ng ‘very high’ COVID positivity rates

7 lalawigan nakapagtala ng ‘very high’ COVID positivity rates

October 18, 2022 @ 2:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng OCTA Research Group nitong Martes na pitong lalawigan ang nakapagtala ng “very high” o mas mataas sa 20 porsyentong COVID-19 positivity rates sa nakalipas na linggo.

Tunutukoy ang positivity rate sa bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo sa mga sumailalim sa COVID-19 test.

Ibinahagi ni OCTA fellow Dr. Guido David na naobserbahan ng OCTA ang very high positivity rates sa mga sumusunod na probinsya hanggang nitong Oktubre 15:

  • Camarines Sur (46.2 porsyento)

  • Tarlac (41.6 porsyento)

  • South Cotabato (26.9 porsyento)

  • Cavite (22.8 porsyento)

  • Rizal (22.1 porsyento)

  • Zambales (22 porsyento)

  • Laguna (21 porsyento)

Samantala, bumaba namana ang positivity rate sa Metro Manila sa 15 porsyento nitong Oktubre 15 mula sa 17.9 porsyento noong Oktubre 8.

Ang World Health Organization-recommended positivity rate ay 5 porsyento upang masabing nakokontrol ang pagkalat ng virus. RNT/SA