7 lugar sa Cebu, idineklarang ‘areas of concern’

7 lugar sa Cebu, idineklarang ‘areas of concern’

May 2, 2022 @ 4:59 PM 2 months ago


CEBU – Pitong “areas of concern” ang tinukoy ng Commission on Elections sa Cebu, isang linggo bago ang halalan sa Mayo 9.

Kabilang dito ang mga bayan ng Madridejos, Daanbantayan, San Fernando, Bogo City, at bahagi Camotes Island.

Ayon kay Atty. Jerome Brillantes, acting Provincial Elections supervisor ng Comelec-Cebu, kinakailangang bantayang mabuti ang mga lugar na ito dahil sa history nito ng election-related violence, political rivalry, at geographical location.

Sa kabila nito, tiniyak ni Brillantes na 101% silang handa para sa nalalapit na halalan.

“We’re 101 percent ready kasi our ballot boxes are now in place, nadeliver last Saturday. It was successful… everything is in place na,” anang Brillantes.

Ang Cebu ay ang itinuturing na most vote-rich province sa bansa, kung saan aabot sa 3.2 milyong residente ang inaasahang boboto sa Lunes. RNT/ JCM