7 magnanakaw ng baka, inilibing nang buhay

7 magnanakaw ng baka, inilibing nang buhay

June 27, 2022 @ 4:56 PM 1 month ago


MOZAMBIQUE – Tinortyur muna bago inilibing nang buhay ang pitong magnanakaw ng mga baka sa bansang ito.

Hindi kinilala ng pulisya ang mga suspek at biktima sa karima-rimarim na krimen subalit nadakip na ang mga may-sala habang nakuha na ng mga kamag-anak ang mga bangkay ng mga biktima.

Ayon kay Juarce Martin, hepe ng provincial police ng Manhica na malapit lamang sa Maputo na kapital ng bansa, pinangunahan ng mga awtoridad ang paghuhukay sa mga bangkay.

Iniimbestigahan pa ang pangyayari na maaaring kasunod na ng pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga suspek. RNT