7 miyembro ng Maute group, sumuko sa Lanao del Sur

7 miyembro ng Maute group, sumuko sa Lanao del Sur

October 10, 2018 @ 11:07 AM 4 years ago


 

Labangan, Zamboanga del Sur – Sumuko sa Joint Task Force Ranao ng militar ang pitong miyembro ng Dawlah Islamiya/Maute group sa Pagayawan, Lanao del Sur, kahapon.

Ang rebelde ay sumuko sa Armed Forces of the Philippines’ 55th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Ranao kung saan isinuko rin ng mga ito ang tatlong M1 Garand rifles, isang Carbine firearm, apat na caliber .45 handguns at isang 9mm pistol.

Samantala, pinuri naman ni Major General Roseller Murillo, commander ng Joint Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula and Lanao Provinces), ang mga tropa at iba pang stakeholders sa naging parte ng mga ito sa pagsuko ng mga miyembro ng Maute group.

“Mautes were dwindling with their organizational leadership and capabilities, and we encourage others to lay down their arms to live peacefully,” ayon kay Murillo./Remate News Team