7 miyembro ng NPA sumuko sa Northern Samar

7 miyembro ng NPA sumuko sa Northern Samar

October 16, 2022 @ 4:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumuko sa mga awtoridad ang pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil umano sa kahirapan at gutom.

Sa ulat, personal na sumuko sa Joint AFP-PNP Local Peace Engagement Plan sa Northern Samar ang pitong NPA member.

Ang mga sumuko ay pawang mga miyembro ng Front Committees 1 at 2, Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU) at ng Sub-Regional Committee (SRC) Emporium Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Kabilang sa mga sumukong dating miyembro ay ang isang 16-anyos na lalaki mula sa San Isidro, Northern Samar at isang 60-anyos na lalaki rin mula Calbayog City.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsusuko rin ng dalawang caliber 5.56 M652 rifle, caliber .45 pistol, tatlong caliber .38 pistol, customized shotgun, bandolier, anim na magazine ng M16 at iba pang gamit.

Kasalukuyan nasa pag-iingat na ng 3rd Infrantry Batallion ang mga isinukong armas. RNT/JGC