7 nailigtas sa tumaob na bangka

7 nailigtas sa tumaob na bangka

May 11, 2022 @ 11:18 AM 2 months ago


ISABELA CITY, Basilan – PITONG indibdwal ang nasagip ng tropa ng 2nd Marine Brigade (2Mbde) matapos tumaob ang sinasakyan nilang Small Unit Riverine Craft (SURC) nitong Lunes sa bayan ng Tawi-Tawi.

Kinilala ni 2Mbde commander Brig. Gen. Romeo Racadio, ang mga nasagip na sina Nurkaiza Maduid, 42; Nadania Aripin, 31; Sherie Abdulasan, 52; Arzaida Monteron, 33; Apra Tuanpanis, 12; Omar Tuanparis, 29; at Sadeeq Taunparis, 30 at pawang mga residente sa Barangay Lamion, Bongao.

Batay sa report ng militar, Lunes ng gabi namataan ang mga biktima sa karagatan sakop ng Barangay Lato-Lato, Bongao, ng naturang bayan.

Ayon kay Racadio, nagtungo sila sa lugar para sunduin ang miyembro ng electoral board at VCMs mula Lato-Lato Elementary School ng mapansin nila ang hindi karaniwang kumikislap-kislap na signal lights sa gitna ng dagat.

Dahil dito, agad nilang sinundan ang ilaw at dito nadiskubre nila ang mga biktima nagpalutang-lugat sa dagat matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangkang de-motor.

Agad naman naman dinala sa headquarters ng 82nd Marine Corps sa Lamion Wharf ang mga biktima at binigyan ng atensiyong medical at nasa ligtas ng kalagayan ang mga ito./Mary Anne Sapico