COVID-19 cases sa 7 NCR LGUs bahagyang tumaas

COVID-19 cases sa 7 NCR LGUs bahagyang tumaas

May 19, 2022 @ 4:53 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mahigpit ngayong binabantayan ng Department of Health ang pitong lungsod sa National Capital Region (NCR) matapos na magpakita ng positive growth rate o bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kabilang ang Pasig City sa mga nasa low risk case classification dahil sa nadagdag na 17 bagong kaso ng COVID-19 sa nagdaang dalawang linggo kung kaya’t aabot na sa 69 total active cases sa lungsod.

Ang anim pang mga lugar ay nagpapakita ng COVID-19 positive growth rate sa nagdaang isang linggo ay ang Muntinlupa, Pasay, Quezon City, Caloocan, Marikina, at Pateros.

Gayunpaman, sinabi ng DOH na lahat ng lugar na ito sa NCR ay nanatiling low risk average daily attack rates at may mas mababa sa 180 aktibong kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden