7 NPA sumuko bitbit ang armas sa Cagayan

7 NPA sumuko bitbit ang armas sa Cagayan

September 18, 2021 @ 3:09 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN-Tuluyan nang tinalikuran ang pagiging terorista ng pitong miyembro ng New Peoples Army o NPA hanggang sa sumuko sa tropa ng 77th Infantry Battalion (77IB), 5th Infantry (Star ) Division, Philippine Army, Marine Battalion Landing Team 10 (MBLT10) at PNP na bitbit ang ilang matataas na kalibre ng baril sa Cagayan.

Ang mga sumukong rebelde ay pawang mga miyembro ng East Front, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan, Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).

Kabilang sa mga armas na isinuko ng mga rebelde ang (1) M14 rifle with 1 magazine, dalawang (2) M653 rifles with magazines at 35 ammunition, at apat (4) na M16 rifles.

Tinatayang nasa edad 18 hanggang 26 ang mga sumukong rebelde at isa sa mga ito ay babae. (REY VELASCO)


  •  
  •  
  •