7 OFW ‘di nakalipad pa-Malaysia; positibo sa COVID

7 OFW ‘di nakalipad pa-Malaysia; positibo sa COVID

January 4, 2022 @ 7:27 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nagpositibo sa COVID at hindi nakaalis ang pitong Overseas Filipino Workers (OFWs), who na patungo sanang Malaysia.

Nakatakdang lumipad sa Kuala Lumpur ang mga OFW noong Lunes ng tanghali.

Sa Departure Area, nakita ang RT-PCR test results ng OFWs kung saan positibo sila sa COVID-19.

Itinigil muna sila sa holding area bago tuluyang dalhin sa quarantine facility.

Samantala, kinokontak na ng awtoridad ng NAIA ang kanilang local government units na pinanggalingan.

Habang may mga pasahero rin na hindi nakatuloy sa kanilang flight na bigong nakapagpresenta ng negatibong RT-PCR test. RNT/FGDC