7 pang Pinoy abroad sapul ng COVID

7 pang Pinoy abroad sapul ng COVID

June 2, 2021 @ 6:27 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pumalo na sa 17,772 Filipino ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa datos ng DFA, nagpositibo sa sakit ang pito pang Pinoy sa abroad.

Gumaling naman ang isa pang Filipino sa ibang bansa kaya’t 12,038 na ito sa kabuuan.

Nananatili sa 1,194 ang mga nasawi sa COVID.

Sa kasulukuyan, 6,540 Filipino sa ibang bansa ang nilalapatan ng lunas sa sakit.

Pinakamarami pa ring Filipino sa Middle East/Africa ang tinamaan ng sakit na may 11,249 kaso.

Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 4,017; 3,522 sa Europa; at 984 sa Amerika. RNT/ELM