7 pang Pinoy sa abroad positibo sa COVID

7 pang Pinoy sa abroad positibo sa COVID

July 11, 2021 @ 9:45 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pito pang Filipino sa ibang bansa ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kung kaya’t umabot na ang kabuuan nito sa 20,933.

Base sa DFA, nakarekober na ang nasa 12,354 habang nananatili ang nasawi sa 1,245.

Tinanggal dito ang 27 na naunang napaulat na nakarekober sa Middle East. Patuloy namang ginagamot ang 7,334 pasyente.

Sa datos, 4,527 kaso ng COVID ang naitala sa Asia and the Pacific region na may 1,727 ginagamot; 2,766 nakarekober; 34 na ang nasawi.

Habang sa Middle East or Africa has, may 11,864 kaso ng COVID; 4,567 ginagamot; 6,461 nakarekober; at 836 nasawi.

Sa Europe, 3,554 Pinoy na ang nagpositibo; 940 ginagamot; 2,484 gumaling; at 130 nasawi.

Pinakamababa pa rin sa America na may 988 kabuuang kaso; 100 ginagamot; 643 nakarekober; at 245 nasawi. RNT/FGDC