7 patay, 33 nasugatan sa Election Day incidents – DILG

7 patay, 33 nasugatan sa Election Day incidents – DILG

May 12, 2022 @ 3:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawampu’t pitong (27) election-related incidents ang naiulat noong araw ng halalan, Mayo 9.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, pito ang nasawi sa mga nasabing insidente habang 33 ang nasugatan.

Kabilang dito ang 11 shooting at mauling incidents sa Albay, Negros Oriental, Cotabato City, Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, at Zamboanga del Norte.

Tatlong granada naman ang pinasabog sa Maguindanao at Cotabato habang dalawang strafing incidents ang naiulat sa Basilan.

Apat na insidente naman ng gulo o komosyon ang naitala sa Maguindanao, Camarines Sur, Lanao, at Tawi-Tawi.

May dalawang insidente rin ng pagnanakaw ng balota sa Lanao del Sur at Basilan, habang tatlong insidente ng pagpasok ng mga hindi awtorisadong indibidwal sa mhga polling precincts ang naitala sa Batangas, Maguindanao, at Abra.

Nakapagtala rin ng dalawang insidente ng paninira ng vote-counting machines ang napaulat sa Lanao del Sur.

Samantala, ayon kay Año, anim lamang mula sa 27 napaulat na insidente ang suspected election-related violence. RNT/ JCM