7 patay sa AstraZeneca sa UK; pinatigil muli sa The Netherlands

7 patay sa AstraZeneca sa UK; pinatigil muli sa The Netherlands

April 4, 2021 @ 10:20 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

UK – Sinabi ng United Kingdom Medicines and Healthcare Products Regulatory Agency na 7 ang namatay sa 30 na nagka-blood clot makaraang mabakunahan ng AstraZeneca.

Kasabay nito ang pagkamatay rin ng isang babae sa The Netherlands makaraang mabakunahan din ng AstraZeneca.

Magkagayunman, hindi nagsuspinde ang UK ng paggamit ng nasabing bakuna samantalang nagsuspinde ang The Netherlands sa loob ng dalawang linggo para sa malalimang imbestigasyon.

Nauna nang nagsuspinde ang maraming bansa sa European Union nang may mga nagka-blood clot at mamatay sa AstraZeneca ilang araw lang makaraan ang pagbabakuna.

Nagaganap ang mga blood clot pangunahin sa utak at baga at tumtatagas ang mga dugo sa labas na utak at baga na ikinasasasakit nang matindi o ikinamamatay ng mga biktima.

Napag-alaman pang dose-dose na rin  ang namamatay sa India, 7 sa South Korea, 9 sa Germany, 1 sa Pilipinas.

Kabilang sa mga bansang nagsuspinde ng AstraZeneca mismo ang Germany, Denmark at Norway.

Hindi rin basta nagtuturok ng nasabing bakuna ang mga bansang Austria, Iceland at Italy habang may pinipiling edad ang France at Canada para iturok ito.

Hindi rin naman pinatigil ng Pilipinas ang paggamit ng AstraZeneca.

Nagiging gabay ng Pilipinas ang pahayag ng World Health Organization na ligtas at epektibo ang AstraZeneca at sinesegundahan ito ng European Medicines Agency.

Ayon sa WHO at EMA, kahit pa sabihin umano na may direktang kaugnayan ang AstraZeneca sa mga nakamamatay na blood clot, higit na kapaki-pakinabang ito kumpara sa mga adverse effect at event na nagaganap batay sa milyon-milyon na ang naliligtas sa coronavirus disease o COVID-19 habang napakaliit umano ang bilang ng mga nagkakasakit at namamatay.

Umaasa pa rin ang Pilipinas na magkakaroon ito ng nasa 1 milyong dosage ng AstraZeneca mula sa COVAX facility ng WHO at darating uumano ito sa huling bahagi ng Abril o Mayo, 2021.

Samantala, sinabi ng United States na maaaring hindi na nito gagamitin ang AstraZeneca dahil sa mga delikadong isyung iniuugnay rito bagama’t may mga trial nang isinasagawa at pag-aaplay ng AstraZeneca/Oxford University ng emergency use authority sa nasabing bansa. Fred Cabalbag


  •  
  •  
  •