7 patay sa COVID-19 sa Bulacan

7 patay sa COVID-19 sa Bulacan

June 29, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


BULACAN – Pito ang namatay habang may naitalang 31 karagdagang aktibong kaso at 32 ang nakarekober sa COVID-19 sa loob ng limang araw sa ibat-ibang bayan.

Sa tala ng Bulacan Provincial Health Office,bandang 4:00 ng hapon nitong Hunyo 28,nasa 1,723 ang kabuuang namatay mula sa 1,716 bilang noong Hunyo 23.

Nasa 31 karagdagang tinamaan matapos pumalo sa 122 aktibong kaso  na may 33 fresh cases mula sa dating bilang na 91 na may 16 fresh cases sa kaparehong petsa at buwan.

Pumalo naman sa karagdagang 32 ang gumaling sa kabuuang 107,897 mula sa 107,865 sa loob pa rin ng limang araw o mga petsang nabanggit at buwan.

Nasa 109,672 ang naitalang kabuuang beripikadong kaso ng COVID-19 simula noong Marso 2020.

Payo ng kinauukulan ang patuloy na mag-ingat sa banta ng COVID-19 at isagawa minimum  public health standards. Dick Mirasol III