7 personalidad na dawit sa overpriced medical supplies inilagay na sa lookout bulletin

7 personalidad na dawit sa overpriced medical supplies inilagay na sa lookout bulletin

September 14, 2021 @ 1:43 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Department of Justice ang lookout bulletin order laban kina dating Budget Usec. Lloyd Christopher Lao at pitong iba pa na isinasangkot sa umano ay overpriced PPE’s.

Bukod kay Lao, kabilang sa listahan ay si Overall Deputy Ombudsman Atty. Warren Rex Liong,Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.

Nakasaad sa kautusan na tiyakin na mamonitor ang travel movements ng mga nabangit at ireport agad sa kagawaran.

Samantala, kinumpirma naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na natanggap na niya ang sulat ni Sen. Richard Gordon na humihiling na isailalim sa ILBO si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.

Mailalabas din ang lookout order laban kay Yang. Teresa Tavares


  •  
  •  
  •