7 PH tycoons sinuportahan si PBBM sa WEF sa Davos— Malakanyang

7 PH tycoons sinuportahan si PBBM sa WEF sa Davos— Malakanyang

January 17, 2023 @ 12:33 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – MAY PITONG pinakamayaman na negosyante ang kasama sa official delegation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Sinabi ng Malakanyang, araw ng Martes na kasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos sina Sabin Aboitiz ng Aboitiz & Company, Kevin Andrew Tan ng Alliance Global, Jaime Zobel de Ayala ng Ayala Group, Lance Gokongwei ng JG Summit Holdings, Ramon Ang ng San Miguel Corp., Teresita Sy-Coson ng SM Investments, at Enrique Razon ng International Container Terminal.

Si Pangulong Marcos at ang kanyang delegasyon ay dumating sa Switzerland, Linggo ng tanghali, ( Linggo ng gabi sa Pilipinas).

Ang WEF ay nagho-host ng Country Strategy Dialogue for the Philippines kung saan ang mga kinatawan ay binibigyan ng oportunidad na i- promote ang bansa bilang ” leader and driver of growth and a gateway to the Asia-Pacific region,” ayon kay Pangulong Marcos.

“One that is open for business – ever ready to complement regional and global expansion plans of both foreign and Philippine-based enterprises anchored on the competent and well-educated Filipino workers, the managers and professionals,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Sa kabilang dako, sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na “looking forward” siya sa “expanding and expounding” ng “strides’ na nakamit ng kanyang administrasyon.

Looking forward din ang Pangulo na “pull-aside” o “pull-away” ang mga meetings sa sidelines ng WEF.

Si Pangulong Marcos ay inimbitahan ni Prof. Klaus Schwab, founder at chair emeritus ng WEF, sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations Summit sa Phnom Pen at Asia-Pacific Economic Cooperation meeting sa Bangkok noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Samantala, bahagi rin ng Philippine delegation sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, dating Pangulo at kasalukuyang c Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Sen. Mark Villar, Ilocos Norte First District Rep. Ferdinand Alexander Marcos III, TINGOG party list Rep. Yedda Marie Romualdez, Trade Secretary Alfredo Pascual, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., at Transportation Secretary Jaime Bautista. Kris Jose