7 sa 10 phishing attempts sa Pinas,  finance-related – Kaspersky

7 sa 10 phishing attempts sa Pinas,  finance-related – Kaspersky

June 24, 2022 @ 1:30 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Nagbunga ang pandemic-driven growth sa digital payments sa mas maraming phishing attacks sa Pilipinas na target ang financial services– kung saan ang pinakamataas na na kaso ay sa Southeast Asia, ayon sa global cybersecurity firm nitong Miyerkules.

Batay sa datos saklaw ang Pebrero hanggang Abril 2022, ipinakita ng Kaspersky na pito sa 10 (68.95%) phishing attempts sa bansa ay finance-related transactions.

Mas mataas ito kumpara sa Indonesia (65.90%), Singapore (55.67%), Thailand (55.63%), Malaysia (50.58%), at Vietnam (36.12%).

Base sa Kaspersky, tinangka ng cybercriminals na lokohin ang mga biktima sa pamamagitan ng banking, e-commerce stores, at payment systems.

Kadalasang ginagamit ng mga kriminal ang phishing, kung saan nagpapadala sila ng emails na may malicious link at nagpapanggap na mula sa isang legitimate organization upang makuha ang personal na impormasyon ng mga biktima.

“Alongside the increased adoption in digital transactions here in Southeast Asia, we also see the rise of ‘Super Apps’ in the region. These are the mobile applications that combine all popular monetary functions including e-banking, mobile wallets, online shopping, insurance, travel bookings, and even investments,” pahayag ni Yeo Siang Tiong, general manager for Southeast Asia ng Kaspersky.

“Putting our data and digital money in one basket can trigger an aftermath snowball, with the impact of a phishing attack swelling at an unforeseeable rate,” dagdag ni Yeo.

Hinikayat naman ng Kaspersky official ang players sa financial technology market na paigtingin ang kanilanh cybersecurity dahil inaasahan ng grupo ang mas marami pang phishing attacks. RNT/SA