7 sa 10 Pinoy, handa nang magpa-booster vs COVID-19 – OCTA Research

7 sa 10 Pinoy, handa nang magpa-booster vs COVID-19 – OCTA Research

May 6, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tila mas marami ngayon kaysa sa hindi ang handang magpa-booster shot batay sa April 22 to 25 survey na isinagawa ng OCTA Research.

Sinabi ni Professor Ranjit Rye sa Laging Handa public briefing na mahigit 70 porsyento ang handang magpa-booster shot dahil sa kumpiyansa sa bakuna lalo pa’t nakikitang bukas na ang ekonomiya at wala nang gaanong banta.

Ani Rye, mayroon namang 23 porsyento ang talagang hindi mapilit na magpabakuna kung saan 53 porsyento nito ay dahil na din sa pag-aalinlangan kung ligtas bang magpa-booster habang 35 porsyento naman ang naniniwalang hindi na raw kailangan ng booster shot.

“Okay. mayroon kaming survey noong first week of April tungkol sa COVID data. Mayroon kaming new data dito sa aming bagong survey noong April 22 and 25, at consistent pa rin. Sa willingness na magpa-booster, alam ko ho mataas eh, nasa seven out of ten Filipinos, more than 70% of adult Filipinos who had taken the vaccine ay willing pong magpa-booster. Napakaliit lang po – hindi naman napakaliit, minority lang po ang ayaw magpa-booster ho, nasa 23%,” ayon kay Rye.

“Doon ho sa 23%, tatlong mahalagang rason kung bakit ayaw nilang magpa-booster: Unang-una iyong kaligtasan, ligtas ba sila sa booster shot. So, 53% ng 23% na iyon ng minority na ayaw magpa-booster, ang sinasabi nila ay kung ligtas [ba] ang booster,” dagdag pa niya.

“Ang pangalawang rason ay marami sa ating mga kababayan, something like 35% [of the 23%] ang naniniwala na hindi na kailangan iyong booster shot. So, if you look at this, Usec, it has to do with information and really educating our kababayans about the importance of having an additional booster shot to extend iyong immunity natin against COVID-19,” dagdag na pahayag nito. sabay sabing “So iyon ang reason but generally speaking, most Filipinos are willing to get boosted. Iyon nga, ang lumalabas doon sa kakaunting ayaw magpa-booster, iyong usapin ng kung ligtas ba ang booster at kung kailangan pa ang booster ang pangunahing rason kung bakit hindi sila nagpapa-booster.”

Dito papasok ani Rye ang kahalagahan ng edukasyon at impormasyon nang sa gayon ay mahikayat ang iba pang magpaturok ng booster dose.

Dapat mabigyang diin aniya na humihina ang immunity at booster ang kailangan para muling sumipa ang anti- bodies para proteksiyon sa COVID 19.

“Ganoon pa man, kahit na more than 70% ay gustong magpa-booster ay napakakaunti pa rin ng nagpapa-booster doon sa ating mga vaccination sites. So, ang isang explanation ng OCTA siguro dito ay iyong kumpiyansa ba, dahil kasi bukas na iyong ekonomiya, bukas na lahat, medyo wala pa tayong banta, hindi malala ang sitwasyon ng COVID sa NCR at sa maraming parte ng bansa kaya may kaunting complacency po,” ayon kay Rye. Kris Jose